--Ads--

CAUAYAN CITY – Environmental factor ang isa sa mga ikinunsidera na sanhi ng pagbagsak ng Huey Helicopter ng Philippine Airforce (PAF) noong July 23, 2020 na ikinamatay ng apat habang isa ang nakaligtas.

Matatandaang nasawi sa pagbagsak ng helikopter sina Major Christopher Caesar Urbano, ang piloto na residente ng Lingayen, Pangasinan; ang kanyang co-pilot na si Capt. Feorelio Bernardo na residente ng Naga City, ang observer na si 1st Lt. Mike Tuesday Tabigne, residente ng Butuan City, Agusan del Norte, isang crew na si Staff Sgt. John Christopher Taguiam ng Cabanatuan City, Nueva Ecija at ang nakaligtas na si Airman 1st Class Jerry Aviles Jr., residente ng Floridablanca, Pampanga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Col. Augusto Padua, commander ng Tactical Operations Group 2 (TOG2), sinabi niya na dahil sa mga drum barriers sa palibot ng helipad ay bumalik ang hangin sa propeller ng helicopter na nagdulot ng malfunction.

Ipinatanggal na ang mga  drum barrier sa lahat ng mga helipad ng PAF bilang pag-iingat.

--Ads--

Hindi naman tinatanggal ng TOG 2 ang human factor na maaaring dahilan ng pagbagsak ng Huey helicopter pero hindi na mapapatunayan dahil namatay ang mga pilotong sakay nito.

Hindi masabi ng nakaligtas  ang dahilan ng pagbagsak ng helicopter dahil malayo siya sa dalawang piloto.

Dagdag pa ni Col. Padua na ikinunsidera nang tapos ang imbestigasyon at bumalik na ang operasyon ng mga sasakyang panghimpapawid ng TOG 2.

Sa katunayan aniya ay nasa Lunsod ng Baguio ang kanilang dalawang helikopter at dumating na ang air ambulance helicopter para magdala ng mga pasyente.

Samantala, inilagay sa half-mast ang mga bandila sa lahat ng mga base ng PAF  bilang pakikidalamhati sa apat na namatay sa pagbagsak ng helicopter sa Basilan.