Nagkagulo ang mga estudyante at unemployed youth sa Bihar, India matapos nilang magmartsa patungo sa tahanan ng chief minister upang igiit ang mas maraming oportunidad sa trabaho at transparency sa mga recruitment exams.
Gumamit ng water cannon ang mga pulis matapos makalusot sa mga security barricade ang ilang libong demonstrador sa Patna, kabisera ng Bihar.
Hinihiling ng mga nagprotesta ang pagbibigay ng government jobs, pagkansela ng isang recruitment exam at pagbabago sa sistema ng pagsusulit.
Nag-ugat ang protesta sa mga reklamo tungkol sa umano’y iregularidad sa mga competitive exams at kakulangan ng oportunidad sa trabaho para sa kabataan.
Samantala, sinabi ni Bihar Chief Minister Samrat Choudhary na pakikinggan ng kaniyang pamahalaan ang hinaing ng mga estudyante at naglunsad ng online system para sa kanilang mga reklamo at suhestiyon.











