--Ads--

CAUAYAN CITY – Nananatiling mataas ang moral ng mga guro sa region 2 sa kabila ng pagpositibo sa COVID-19 ng 11 na pampublikong guro sa Lunsod ng Ilagan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Project and Development Officer IV Ferdinand Narciso ng Department of Education (DepEd) region 2 na hindi naging hadlang sa isang guro sa Lunsod ng Ilagan ang pagpositibo niya sa COVID-19 para panghinaan ng loob.

Dahil isa siyang MAPEH teacher ay nagpa-zumba siya at hinikayat ang kanyang mga kasamang naka-quarantine na mag-ehersisyo para mapalakas ang kanilang katawan.

Dahil dito, humahanga siya dahil sa halip na panghinaan ng loob ay mas naging positibo ang mga naturang guro.

--Ads--

Gayunman ay nalulungkot sila dahil sa mga natatanggap nilang pagpuna subalit magsisilbi aniya itong hamon sa kanila para mas lalong mapabuti ang kanilang trabaho.

Ang pahayag ni Ginoong Ferdinand Narciso.