--Ads--

Nabulabog  ang 2026 Camel Beauty Show Festival sa Oman matapos madiskubre ng mga beterinaryo na sumailalim sa matinding cosmetic enhancements ang ilan sa mga kalahok na camel.

Aabot sa 20 camels ang agad na diniskwalipika sa patimpalak matapos mapatunayang tinurukan ang mga ito ng Botox at lip fillers upang magmukhang mas kaakit-akit at “pouty” ang kanilang mga labi.

Bukod dito, nadiskubre rin ang paggamit ng silicone implants para baguhin ang hugis ng ilong, at hormone injections para palakihin ang kanilang humps at kalamnan.

Seryosong negosyo ang mga camel beauty contests sa Oman dahil sa laki ng premyong pera at halaga ng bentahan ng mga nananalong lahi.

--Ads--

Dahil dito, natutukso ang ilang breeders na mandaya gamit ang mga ipinagbabawal na procedures upang masungkit ang titulong “most beautiful camel.”

Nagbabala naman ang mga eksperto na mapanganib ito sa kalusugan ng mga hayop. Ang fillers ay maaaring magdulot ng matinding impeksyon, habang ang botox naman ay nakaaapekto sa kakayahan ng mga camel na ngumuya