--Ads--

CAUAYAN CITY– Patuloy na sumasailalim sa 14-day quarantine ang mga kasapi ng Cauayan City Fire Station matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isa nilang kasamahan.

Matatandaang noong January 19, 2021 ay sinuspinde ng naturang tanggapan ang mga business transactions para bigyang daan ang monitoring sa kalusugan ng mga kasapi ng BFP sa lunsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fire Officer 1 Liann Grace Ferrer, tagapasalita ng BFP Cauayan City, sinabi niya na may 13 BFP personnel sa lunsod ang sumasailalim sa quarantine sa kanilang tanggapan habang 9 naman ang istriktong naka-home quarantine.

Aniya, sumailalim na rin sa SWAB test ang mga kasapi ng BFP Cauayan City na may direktang pakikisalamuha sa nagpositibo nilang kasamahan at ilan sa mga lumabas na ang resulta ay nagnegatibo naman sa virus.

--Ads--

Aasahan namang sa February 2, 2021 ay magbabalik na sa full operation ang Cauayan City Fire Station.

Ang bahagi ng pahayag ni FO1 Liann Grace Ferrer