
CAUAYAN CITY– – Nag-ikot ang mga kawani ng Social Security System (SSS) Region 2 bilang bahagi ng kanilang run after contribution evaders (RACE) campaign.
Iminumungkahi ng tanggapan sa mga employer ang installment payment program na may mga paglabag sa pagbabayad ng kanilang kontribusyon.
Nasa 9 na business owners ang binisita ng RACE team dahil sa paglabag sa Republic Act 11199 (Social Security Act of 2018) pangunahin na ang hindi pagreremit ng kontribusyon, hindi pagrereport sa kanilang mga empleyado at no employees record.
Dahil dito hindi maaring makakuha ng SSS benefits at Ioan privileges ang mga empleyado kaya personal umano nilang binibisita ang mga employers at mga manggagawa at pinapaalala ang kanilang mga responsibilidad at hinihikayat ang mga employer na kumuha ng pandemic relief and restructuring Program 3 (PRRP 3) o ng Enhanced Installment Payment Program.
Inaasahan naman na bibigyan ng ilang buwan ang mga employers para maayos ang nasabing notice para sa kanilang mga manggagawa.










