Dumating na sa Tuguegarao City nitong Martes, Oktubre 27, ang mga labi ni 1st Lt. Angelo Adrian Peñaflor, ang piloto ng Philippine Air Force (PAF) na nasawi sa banggaan ng dalawang military trainer aircraft sa Lipa City, Batangas.
Si Peñaflor, na tubong Iguig, Cagayan, ay kabilang sa apat na tauhan ng Philippine Air Force na sakay ng dalawang SF-260 trainer aircraft na may tail numbers 032 at 037 nang magbanggaan ang mga ito habang nagsasagawa ng formation flight sa Fernando Air Base noong Oktubre 23.
Naging ganap na piloto ng Philippine Air Force si Peñaflor noong Mayo 2024.
Bago pumasok sa serbisyo militar, nagtapos siya bilang magna cum laude at class valedictorian sa Cagayan State University–Carig Campus noong 2018.
Nakatakdang ilagak sa huling hantungan ang kaniyang mga labi matapos ang burol sa Tuguegarao City.











