--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagpapatuloy ang ginagawang monitoring ng mga kasapi ng City Inter-Agency Task Force sa mga lugar na isinailalim sa lockdown sa Ilagan City.

Matatandaan na una nang isinailalim sa localized lockdown ang 5 purok mula sa limang barangay ng Lunsod.

Sa bisa ng Executive Order number 02 ng pamahalaang Lunsod ay isinailalim sa calibrated lockdown ang Purok 5 ng barangay Alibagu, Purok 6 ng barangay Osmeña, Villa Jesusa ng Bliss Village, Purok 6 ng Alinguigan 2nd, at Purok 4 ng barangay Marana 1st.

Ang ipinapatupad na localized lockdown sa naturang mga purok ay tatagal hanggang ngayong 8:00 PM.

--Ads--