--Ads--

Hinihikayat ng TESDA Isabela ang mga aplikanteng hindi natanggap sa trabaho sa isinagawang Mega Job Fair sa Lungsod ng Ilagan nitong Nobyembre 19 na sumailalim sa kanilang mga training program upang mapalawak ang kanilang kasanayan at magkaroon ng mas malaking oportunidad na matanggap sa susunod na pag-aaplay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Vilma Cabrera, Director III ng TESDA Isabela, sinabi nitong kabilang sa kanilang tinututukan ang mga nearly hires o aplikanteng hindi natanggap dahil kulang pa sa training at kasanayan.

Kabilang sa kanilang iniaalok ang microcredential programs sa ilalim ng LEAP na nagbibigay ng short-term training sa iba’t ibang larangan, partikular sa Information and Communications Technology o ICT at Artificial Intelligence o AI.

Mayroon ding libreng assessment at certification, diploma programs at Enterprise-Based Education and Training o EBET.

--Ads--

Samantala, target ng TESDA Isabela na maabot ang 80 porsiyentong employment rate sa kanilang mga trainees alinsunod sa mandato nitong training to employment.