--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy na nananawagan ang grupo ng mga OFW sa Italya na ibasura ang paniningil at nakaambang pagtaas ng kontribusyon sa PhilHealth.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Rhoderick Ople, Pangulo ng OFW watch Italy, sinabi niya na may pandemya man o wala ay hindi pa rin nararapat ang PhilHealth.

Aniya, wala pang napaparusahan sa pagkawala ng bilyun-bilyong pisong pera sa PhilHealth kaya ito muna ang pagtuunan ng pansin at hindi ang pagtaas nanaman sa kontribusyon ng mga miyembro.

Sinabi niya na hindi naman nila napapakinabangan ang kanilang PhilHealth lalo na sa Europe at kung taasan pa ang kontribusyon ay hindi na rin ito tatanggapin ng kanilang mga employer dahil mayroon na silang binabayaran na insurance policy.

--Ads--

Magkakaroon aniya sila ng online protest para amyendahan o di kaya ay ibasura na lamang ang Republic Act 11223 o Universal Health Care Act dahil hindi naman talaga ito nagbibigay ng proteksyon sa mga mahihirap.

Mungkahi rin niya na dapat gawing boluntaryo na lamang ang pagmiyembro sa PhilHealth.

Ang bahagi ng pahayag ni G. Rhoderick Ople