--Ads--

CAUAYAN CITY– Dodoblehin ang multa sa mga opisyal ng barangay na lalabag sa mga ipinapatupad na health protocols pangunahin na ang liquor ban habang nakasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Liga ng mga Barangay Isabela President Dante Halaman na kasalukuyan na ang information dessimination sa mga opisyal ng barangay kaugnay ng Executive Order No. 42 na inilibas ni Gov. Rodito Albano na nagsasailalim sa lalawigan ng Isabela sa GCQ.

Sinabi ni Liga ng mga Barangay Pres. Halaman na nagpalabas na siya ng memoramdum sa lahat ng mga opisyal ng barangay sa Isabela na dapat pagtuunan ng pansin at ipatupad ang pagbabawal ng pag-inom ng alak at dapat ipatupad ang pagsusuot ng mga facemask at face shield kung nasa mga pampublikong lugar.

Sinuman anyang mahuhuling lalabag sa mga panuntunan ay ihahain ang kanilang mga pangalan sa kanyang tanggapan na ipapadala din sa tanggapan ng Punong Lalawigan.

--Ads--

Layunin anya nitong maiwasan ang pagtaas ng mga naitatalang nagpopositibo sa virus.

Inihalimbahawa din nito na mapapatawan ng multang P3,000.00 at pagkakulong ng 10 araw sa unang paglabag sa liquor ban maging ng hindi pagsusuot ng face mask at face shield, sa pangalawang paglabag ay magmumulta ng P5,000.00 o makukulong ng 30 araw.

Sinabi pa ni Liga ng mga Barangay Pres. Halaman na ipinagbabawal din ang pagkakaroon ng Christmas Program, videoke at lahat ng mga face to face na pagdiriwang ay mahigpit.

Samantala, nagbabala si Liga ng mga barangay President Halaman na doble ang kakaharaping parusa o multa ng mga opisyal ng barangay na mangunguna sa paglabag sa liquor ban sa ilalim ng General Community Quarantine.

Inihayag pa niya na ang mga opisyal ng barangay mismo ang magpapatupad ng nasabing kautusan at hindi sila mismo ang lalabag nito.

Ang bahagi ng pahayag ni Liga ng mga Barangay Isabela President Dante Halaman