--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsimula nang mag-ikot ang ilang opisyal ng Department of Education (DepEd) region 2 sa mga paaralan sa rehiyon para magsagawa ng monitoring kaugnay sa unang linggo ng pagbubukas ng klase.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Project and Development Officer IV Ferdinand Narciso ng DepEd Region 2 na sa kanilang pag-iikot sa ilang pribado at pampublikong paaralan sa mga bayan ng Gamu at Naguilian, Isabela ay nakita nila ang kalungkutan dahil kung dati ay maingay ngayon ay nagmistulang ghost town.

Sa kabila nito ay nakita nila ang mga guro na kahit abala sa kanilang mga gawain ay masaya pa rin silang nagtatrabaho.

Gayunman, alam nilang sa likod nito ay marami sa kanila ang may kuwento ng karanasan.

--Ads--

Ayon kay Ginoong Narciso, sa kanilang pag-iikot sa ilang paaralan ay tiningnan nila ang datos ng kanilang mga enrollment gayundin ang kahandaan ng mga school heads sa pamamagitan ng kanilang mga school improvement plans, mga istratehiya sa brigada skuwela, instructional support, teachers capability.

Tiningnan din nila ang mga modules maging ang access ng mga mag-aaral sa iba’t ibang mga learning materials.

Bukod dito ay inalam din nila kung ano ang ginagawang solusyon sa mga naitatala nilang problema.

Ang pahayag ni Ginoong Ferdinand Narciso.

Samantala, sinabi pa ni Ginoong Narciso na kanilang napag-alaman na isa sa nagiging hamon ngayon sa mga guro sa rehiyon ang pagdadala ng mga modules sa bahay ng mga mag-aaral dahil sa kawalan ng transportasyon dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa kabila nito ay natutuwa sila dahil may mga opisyal ng barangay ang nagbibigay ng transportasyon sa mga guro habang mayroon ding mga magulang ang bumubuo ng grupo para tulungan ang mga guro.

Bukod dito ay mayroon ding nagtapos na sa mga paaralan ang tumutulong.

Dagdag niya na isa rin sa nakita nilang problema ay ang pagkakaroon ng pagkakamali sa modules dahil sa pagod at limitasyon ng teknolohiya.

Ang pahayag ni Ginoong Ferdinand Narciso.