--Ads--

Ibinasura ng Korte Suprema ang magkakahiwalay na petisyon nina Atty. Vic Rodriguez, Berteni Cataluña Causing at Atty. Ernesto Francisco Jr. na kumukuwestyon sa bagong voting threshold na ipinatutupad ng Senate Impeachment Court.

Kinontra ng mga petitioner ang naging interpretasyon ng Senado sa kinakailangang two-thirds vote para magkaroon ng conviction sa isang impeachment case.

Magugunitang noong Setyembre 23 ay napagkasunduan ng Senado na tanging mga senador na “legally” at “actually able to participate” sa mga pagdinig ang maaaring bumoto sa impeachment trial.

Iginiit nina Rodriguez at Francisco na dapat ipawalang-bisa ang naturang interpretasyon, habang sinabi naman ni Causing na dapat pa ring maisama sa bilang ng botohan ang mga senador na hindi makadadalo dahil sa pagtatago, pagkakadetine o medikal na kondisyon.

--Ads--

Gayunman, sinabi ng Korte Suprema na walang sapat na legal standing ang mga petitioner at itinuturing na premature ang kanilang mga petisyon kaya’t ibinasura ang mga ito.