--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadagdagan pa ang purok sa barangay District 3 na isinailalim sa calibrated lockdown dahil sa pagdami ng mga naitalang kaso ng COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Barangay kapitan Estoy Meris ng District 3, sinabi niya na isinailalim na rin sa calibrated lockdown ang Purok 4 dahil sa pagkakatala ng ilang kaso ng COVID-19.

Una rito ay isinailalim na rin sa calibarted lockdown ang Purok 6 kung saan aabot sa 138 na pamilya ang naapektuhan.

Magtatagal aniya ito hanggang sa January 12, 2021.

--Ads--

Sinabi ng punong barangay na walang papayagang lumabas sa mga residente kahit na kabilang sa mga authorized persons outside residence kaya nagbigay na sila ng kanilang pangunahing pangangailangan at kung may kailangan man silang bilhin ay handang umalalay ang mga miyembro ng POSD, mga barangay tanod at opisyal ng barangay.

Ayon sa kanya, sa mga taga ibang barangay na dinala sa kanilang barangay para maghome quarantine ay hindi nila alam kaya idudulog nila sa pamahalaang lunsod.

Sa ngayon ay mayroon ng dalawampu’t walong aktibong kaso ang kanilang barangay at dinala na sa LGU quarantine facility ang mga bagong positibo habang ang kanilang mga nakasalamuha ay nakahome quarantine na at nakatakda ng sumailalim sa Swab test.

Ang bahagi ng pahayag ni Barangay kapitan Estoy Meris ng District 3,Cauayan City

Samantala, umakyat na sa 10 ang bilang ng mga nasawi na may kaugnayan sa COVID-19 sa Cauayan City.

Ang naidagdag na nasawi ay si CV 5575, 71 anyos na lalaki, at residente ng Barangay Cabaruan.

Siya ay nakaranas ng lagnat, ubo, pananakit ng ulo, pananakit ng kasu-kasuhan, at panghihina ng buong katawan.

Sumailalim sa swab test noong January 5, 2021 ngunit binawian din ng bhay sa nabanggit na araw dahil sa acute respiratory failure secondary to severe pneumonia.

Meron din siyang sakit na alta presyon at chronic kidney disease.

Lumabas lamang ngayong araw ang resulta na positibo sa siya sa virus ng COVID-19.

Sa kasalukuyan ay minomonitor ng City Health Office ang mga nakasalamuha niyang kanyang kapamilya.