--Ads--

Nagpasok ng not guilty plea si dating Congressman Mike Defensor sa kasong plunder na nakasampa laban sa kanya kaugnay ng umano’y paglabag sa Presidential Decree No. 46.

Ang naturang batas ay nagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na tumanggap ng regalo at sa mga pribadong indibidwal na magbigay ng regalo sa mga pampublikong opisyal sa anumang okasyon.

Nagpasok din ng not guilty plea ang mga kapwa akusado ni Defensor na sina negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray.

Patuloy namang didinggin ng korte ang kaso upang matukoy ang pananagutan ng mga akusado kaugnay ng mga alegasyong inihain laban sa kanila.

--Ads--