Mananatili sa New Quezon City Jail sina Senador Rodante Marcoleta, dating Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, at dalawa pa nilang kasamahan matapos ibasura ng Sandiganbayan Third Division ang kanilang mosyon para makapagpiyansa sa kasong plunder at paglabag sa Presidential Decree No. 46.
Kabilang din sa mga akusado sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y hindi idineklarang P75 milyong donasyon na natanggap nina Marcoleta at Defensor kaugnay ng kampanya noong 2025.
Inamin ni Marcoleta ang pagtanggap ng naturang halaga mula sa tatlong donor noong Enero 2025, ngunit iginiit na hindi na niya ito kailangang ideklara sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures dahil natanggap ito bago ang opisyal na panahon ng kampanya, alinsunod umano sa Penera doctrine.











