--Ads--

Isinagawa ang Combined Arms Brigade Exercise (CABEX) 2026 sa Barangay Bucal Norte, Dinapigue, Isabela nitong Agosto 17 hanggang 18, 2026 bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan at kakayahan ng mga sundalo sa pagtugon sa mga posibleng banta.

Bahagi ng pagsasanay ang mga kasundaluhan mula sa 502nd Infantry Brigade, 77th Infantry “Don’t Dare” Battalion, 8th Field Artillery Battalion, 1st Cavalry Company, at 52nd Division Reconnaissance Company ng 5th Infantry “Star” Division, Philippine Army.

Nagkaroon man ng bahagyang agam-agam sa ilang residente dahil sa pangambang maaaring maging delikado ang pagsasagawa ng military exercise sa kanilang lugar, agad naman itong natugunan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa layunin at benepisyo ng pagsasanay.

Layunin ng CABEX 2026 na mapaigting ang kaalaman, kasanayan at kahandaan ng mga sundalo sa pakikipaglaban, pagtugon sa mga banta at pagtatanggol sa bansa.

--Ads--

Samantala, positibo naman ang pagtanggap ng mga residente sa presensya ng mga sundalo matapos maipaliwanag ang layunin ng pagsasanay, kabilang ang pagpapanatili ng seguridad at kapayapaan sa komunidad.