--Ads--
Umabot na sa 55 ang nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Hunyo 8, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Sa pinakahuling ulat ngayong Hunyo 12, sinabi ng OCD na pinakamaraming naitalang nasawi ay mula sa Soccsksargen, sinundan ng Davao Region.
Naitala rin ang 1,120 sugatan, habang 31 katao ang patuloy na pinaghahanap.
Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa 346,449 indibidwal o 75,324 pamilya ang naapektuhan ng lindol mula sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, at BARMM.
--Ads--
Sa mga ito, 16,349 indibidwal ang nananatili sa evacuation centers, habang 29,260 naman ang pansamantalang nakikituloy sa ibang lugar.











