CAUAYAN CITY- Hindi pa rin makapaniwala ang itinanghal na Miss Universe Philippines Isabela at Queen Isabela 2025 na si Bb. Jarina Sandhu sa mainit na suporta sakanya ng mga Cauayeños sa katatapos na Queen Isabela 2025 at nalalapit naman na Miss Universe Philippines.
Ayon sa naging mensahe ni Bb. Jarina Sandhu sa naganap na home coming nito, sinabi niya na dahil sa suporta ng mga Cauayeños ay pagbubutihin pa niya lalo sa entablado ng Miss Universe.
Aniya, hindi siya nabigo sa suporta kaya naging inspirasyon niya ito upang magpatuloy sa kabila ng kakulangan niya ng pinansyal.
Pinangako naman ni Bb. Sandhu sa mga kawani ng lokal na pamahalaan na kanyang dadalhin hindi lamang ang pangalan ng Isabela kundi ang mismong pangalan na rin ng kanyang minamahal na Syudad ng Cauayan.