--Ads--

Bumagsak ng mahigit 43% ang infrastructure spending ng pamahalaan sa unang quarter ng taon, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Mula ₱261.8 bilyon noong nakaraang taon, bumaba ito sa ₱147.8 bilyon ngayong taon dahil sa mas mahigpit na pagsusuri ng mga proyekto kasunod ng mga kontrobersiya sa katiwalian, partikular sa flood control projects.

Ayon sa DBM, malaking epekto nito sa paglago ng ekonomiya, kasabay ng pagbaba ng GDP ng bansa sa 2.8 porsyento sa unang quarter.

Pinakamalaking pagbagsak ang naitala sa Department of Public Works and Highways (DPWH), na nagpapatupad ngayon ng mas mahigpit na validation process sa mga proyekto.

--Ads--

Sa kabila nito, umaasa ang pamahalaan na muling bibilis ang infrastructure spending sa ikalawang quarter matapos maglaan ng karagdagang pondo para sa public works, school buildings, at irrigation projects upang pasiglahin ang ekonomiya.