--Ads--

Hindi bababa sa limang katao ang nasawi at mahigit isang dosena ang sugatan sa panibagong airstrikes ng Israel sa southern at eastern Lebanon.

Kabilang sa mga tinamaan ang ilang bayan sa kabila ng napagkasunduang 45-day ceasefire extension sa pagitan ng Israel at Lebanon.

Patuloy rin ang forced displacement orders ng Israeli military sa ilang komunidad.

Simula nang muling sumiklab ang labanan noong Marso, halos 3,000 na ang nasawi sa Lebanon.

--Ads--