--Ads--

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang rider at mga angkas nito matapos na salpukin ng sinasakyan nilang motorsiklo ang isang 10 wheeler truck sa bahagi ng Brgy Balasig, Cabagan, Isabela

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang mga sangkot sa aksidente ay isang Ten wheeler truck na minamaneho ni Berny Mauricio, apatnapu’t dalawang taong gulang,may asawa at residente ng Barangay Virgoneza San Agustin Isabela.

Nasawi naman ang mga lulan ng isang honda XRM motorcycle na minamaneho ni Quilang Redentor, 28-anyos gulang na residente ng Barangay Fermeldy Tumauini Isabela.

Lumalabas sa pagsisisyasat ng Cabagan Police station na patungo ng San Pablo Isabela ang 10-wheeler truck habang patungo naman sa Tumauini Isabela ang motorsiklo.

--Ads--

Nang makarating sa pakurbadang bahagi ng kalsada ay bigla umanong nawalan ng kontrol sa manibela si Redentor at nag over shoot sa kabilang linya sanhi para salpukin nito ang paparating na truck.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nawasak ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima .

Agad na tumugon sa lugar ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Cabagan at dinala ang mga sangkot sa Milagros Albano District Hospital subalit idineklara silang dead on arrival ng kanilang attending physician.