CAUAYAN CITY – Patay ang isang private employee matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang van sa harapan ng Luna Park sa Cabaruan, Cauayan City.
Ang biktima ay si Alvin Dela Pena, 26 anyos, binata at residente ng Dimasari, Palanan, Isabela habang ang tsuper ng van ay si Jerry Ordonio, 26 anyos, binata at residente ng Zone 2, San Mariano, Isabela.
Sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, binabaybay ng dalawang sasakyan ang magkasalungat na direksiyon at bahagyang huminto ang tsuper ng van upang pumarada sa kaliwang bahagi ng kalsada nang biglang mag-over take ang motorsiklo sa sinusundang sasakyan.
Sumalpok ang motorsiklo sa van dahilan upang magtamo ng mga sugat sa katawan ang tsuper nito.
Naisugod sa isang pribadong pagamutan ang tsuper ng motorsiklo ng mga tumugon na kawani ng Rescue 922 ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.












