--Ads--

Hinamon ng Malacañang ang National Anti-Poverty Commission o NAPC na paigtingin ang mga hakbang laban sa gutom at kahirapan sa bansa.

Ito ang naging hamon sa lead convenor ng NAPC na si Secretary Manny Pacquiao sa pulong nila ni Executive Secretary Ralph Recto sa Malacañang.

Tinalakay ng dalawang kalihim ang mga hakbang upang mapalakas ang mga programa para sa mga mahihirap at matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga ito.

Target ng administrasyon na mapababa sa siyam na porsiyento ang poverty incidence sa bansa pagsapit ng 2028.

--Ads--

Nais din ng Malacañang na palakasin ang koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programang pang-alis ng kahirapan, sa pangunguna ng NAPC bilang coordinating at advisory body para sa social reform at poverty alleviation.

Batay sa Philippine Statistics Authority, bumaba sa 9.7 porsiyento ang poverty incidence noong 2025 mula sa 15.5 porsiyento noong 2023, na katumbas ng humigit-kumulang 11 milyong Pilipinong nabubuhay sa kahirapan.