--Ads--

Handang-handa na ang Department of Education (DepEd) para sa Nationwide Simultaneous School Safety Drill na isasagawa ngayong Setyembre 3.

Pangunahing venue ng aktibidad ang Carlos F. Gonzales High School sa Maguinao, San Rafael, Bulacan, habang sa Metro Manila naman ay gaganapin ito sa Felimon Javier Elementary School sa Mandaluyong City.

Kasabay nito ang pagsasagawa ng drill sa mga paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang bahagi ng nationwide preparedness program ng DepEd.

Layunin ng pagsasanay na mapalakas ang kahandaan ng mga paaralan at mga personnel nito sa pagtugon sa sakuna at iba pang emergency.

--Ads--

Kabilang sa aktibidad ang scenario briefing, 30-minutong full-scale lockdown drill at post-drill evaluation.

Hindi personal na dadalo si Education Secretary Sonny Angara at magpapadala lamang ng kinatawan. Pangungunahan naman ng Schools Division Office o SDO Bulacan ang pangunahing aktibidad.

Makikibahagi rin sa drill ang mga kinatawan ng Office of Civil Defense o OCD, Department of the Interior and Local Government o DILG, Bureau of Fire Protection o BFP, Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO at Philippine National Police o PNP.