--Ads--

Mas pinadali na ang pagkuha ng NBI clearance para sa mga Isabeleño matapos ilapit sa publiko ang serbisyo sa pamamagitan ng clearance center sa Santiago City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay NBI Director Christopher Mesa,  ng Isabela, sinabi niya na matatagpuan na ang kanilang taggapan sa Ground Floor kaya mas accesible na ito sa mga aplikante.

Aniya, hindi na kailangan pang bumiyahe ng malayo ang mga residente patungo sa Ilagan City, Cauayan City, o Tuguegarao City para kumuha ng naturang clearance.

Dagdag pa nito, maraming establishimento sa paligid ng bagong tanggapan kaya mas magiging maginhawa ito para sa mga magtutungo roon.

--Ads--

Naging posible rin ito sa tulong at suporta ng lokal na  pamahalaan na patuoy na nakikipagtulungan sa kanilang opisina.

Nilinaw naman ni Masa, na para sa mga reklamo o complaint ng ilan ay mas mainam pa rin na dumulog sa pangunahing tanggapan ng NBI sa City of Ilagan subalit maaari pa rin namang lumapit sa NBI Clearance center kung saan tutulungan ang mga kliyente na makipag-ugnayan sa kaukulang ahensya para sa kanilang concern.