CAUAYAN CITY- Nakahanda na ang National Food Authority (NFA) na umagapay sa mga Local Governement Units (LGUs) na nais bumili sa kanila ng bigas bilang bahagi ng pagpapatupad ng Food Security Emergency sa bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Julius Sugue, Acting Regional Manager ng NFA Region 2, sinabi niya na sa ngayon ay mayroon nang mga LGUs mula sa Isabela at Cagayan na nagpahayag ng interes na mag-avail ng bigas.
Mas pinadali na aniya ng pamunuan ng NFA ang proseso ng pagbebenta kung saan kinakailangan lamang ng Memorandum of Agreement at sa pamamagitan ng cheque ang pagbabayad.
Gayunpaman ay titiyakin ng kanilang tanggapan kung ang bibilhing bigas ng mga LGUs ay mapupunta sa nakatakdang layunin ng programa.
Ang newly-milled riceay nagkakahalaga ng 38 pesos per kilo, ang mga nasa 3 buwan nang na-milled ay 33 pesos habang 29 pesos naman ang bigas na mahigit 3 buwan nang nagiling.
Kapag nailabas na ang mga NFA Rice sa Merkado ay hindi na dapat lalagpas sa 38 pesos ang presyo ng bigas upang maiparamdam sa mga mamimili ang pagbaba ng presyo.
Sa ngayon ay halos 1 milyong bags ng palay ang nakaimbak sa mga bodeaga ng NFA Region 2 kung saan 120,000 bags na ang nagiling.
Target naman nilang magtransfer ng palay sa Metro Manila upang umagapay sa pangangailangan ng bigas sa naturang lugar.