--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinaghahandaan na ng pamunuan ng NIA-Mallig River Irrigation System ang inaasahang pagdagsa ng mga residente na magtutungo sa naturang irigasyon sa Semana Santa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Manolo Palafox, Officer-in-charge ng NIA-Mallig Irrigation System, sinabi niya na mas paiigtingin nila ang pagbabantay sa lugar upang matiyak na wala nang pagkalunod na maitala.

Aniya, hindi lang mula sa bayan ng Quezon ang nagpipicnic sa lugar dahil marami ring dumadayo na mula sa mga karatig na bayan gaya ng Roxas at Mallig.

Mayroon naman aniyang nagsusubaybay na mga Barangay Tanod sa Dam ngunit madaragdagan pa ito sa mga susunod na araw dahil sa pagpasok ng Holy Week.

--Ads--

Pinaalalahanan naman niya ang mga nagnanais magtungo sa lugar na mag-ingat at huwag magtungo sa mga restricted na bahagi ng dam upang maiwasan ang anumang mga hindi kanais-nais na insidente.