--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng National Meat Inspection Service (NMIS) region 2 sa mga Local Government Units (LGUs) sa rehiyon upang matiyak na ligtas ang mga karne na ibinebenta sa mga pamilihan

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Regional Technical Director Dr. Ronnie Ernst Duque ng   NMIS region 2 na maganda ang kinalabasan ng kanilang pakikipag-usap sa mga LGU officials para ma-upgrade ang kanilang mga slaughter house.

Kailangan aniya na magkaroon din ng meat inspectors na magsusuri sa mga karne ng baboy na ibinebenta sa mga pamilihan.

Sinabi niya na batid ng mga local chief executives ang Food  Safety Act na titiyak sa kaligtasan ng mga pagkain pangunahin na ang mga karne na ibinebenta.

--Ads--

Sinabi pa ni Dr. Duque na bagamat kulang sila ng mga tauhan sa NMIS region 2  ay umiikot pa rin sila upang matiyak na maipapatupad ang Food  Safety Act at pinagtutuunan nila ng pansin  ang meat safety.

Malaki rin aniya ang tulong ng pamahalaang local sa kanila upang matiyak na hindi infected ng African Swine Fever (ASF)  ang mga karne ng baboy na ibinebenta.

Samantala, puspusan  ang monitoring ng   NMIS region 2 sa mga online sellers ng mga meat products.

Ayon kay Dr. Duque, mayroon na silang nadakip na online seller na expired  meat  ang ng ibinebenta.

Sinabi ni Dr. Duque na ang ginagawa ng online seller ay ibinababad  sa suka, bawang at paminta ang expired nang karne  na inirerepack sa isang  kilo o half kilo na  ibinebenta online at kapag niluto ay magiging lechon kawali.

Dahil dito binalaan ng  NMIS region 2 ang mga mamimili na maging maingat sa pagbili online ng mga meat products at tiyakin na ang mga binibili   ay may taglay na meat inspection permit.

Ang pahayag ni Regional Technical Director Dr. Ronnie Ernst Duque ng  NMIS region 2