CAUAYAN CITY– Dinakip ng mga otoridad ang number 3 Most Wanted Person sa bayan ng Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya.
Ang akusado na si Julius Fernandez, 39 anyos, may-asawa , laborer at residentng barangay Ibung, Villaverde, Nueva Vizcaya ay Inaresto sa Barangay Sagat, Cordon, Isabela;
Ang magkasanib na puwersa ng tracker team ng Alfonso Castañeda Police Station , Explosive Ordnance Division Canine (K-9) Unit, Villaverde Police Station , kasapi ng Phil. Army, Nueva Vizcaya Provincial Highway Patrol at Cordon Police Station ay isinilbi ang warrant of areest laban sa akusado.
Ang warrant of arrest ay inilabas ni Hukom Rogelio Corpuz ng RTC Bayombong, Nueva Vizcaya sa kasong Carnapping na mayroong inirekomendang piyansang tatlong daang libong piso.
Dinala ang akusado sa Alfonso Castañeda Police Station para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.











