--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga kasapi ng City Of Ilagan Police Station ang isang binata na number 3 most wanted person provincial level sa Tangcul, lunsod ng Ilagan.

Ang inaresto ay si Raymart Nicolas, 23-anyos, binata at residente ng Baculod, City of Ilagan,.

Ang pag-aresto sa akusado ay isinagawa ng City Of Ilagan Police Station sa pamumuno ng kanilang Intel-officer na si Police Major Richard Limbo, mga kasapi ng Provincial Intelligence Branch-IPPO at Caloocan City Police Station.

Ito ay sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Rosalia Hipolito-Bunagan ng RTC Branch 232 Caloocan City sa kasong pagpatay o murder.

--Ads--

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Sa ngayon ay nakatakda ng ipasakamay sa court of origin ang akusado.