--Ads--

Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang No. 3 Provincial Most Wanted Person na nahaharap sa kasong statutory rape sa isinagawang operasyon sa Barangay San Felipe, City of Ilagan, Isabela, kaninang alas-9:20 ng umaga.

Ang naarestong suspek ay itinago sa alyas “Buda,” 23 taong gulang, binata, at residente ng naturang lugar.

Pinangunahan ng mga operatiba ng Ilagan City Police Station, sa pakikipagtulungan ng mga kasapi ng 201st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 2 (RMFB2), Regional Intelligence Unit 2 (RIU-2) PIT Isabela, at Regional Intelligence Division 2 (RID2), ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa akusado.

Batay sa rekord, walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

--Ads--