
CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng Tumauini Police Station ang number 8 most wanted person municipal level sa Lanna, Tumauini, Isabela,
Ang inaresto ay si Fernando Banguilan, 53-anyos, may asawa, vendor at residente ng nabanggit na barangay.
Isinagawa ng mga kasapi ng Tumauini Police Station sa pangunguna ng kanilang hepe na si PMajor Rolando Gatan ang operasyon na nagresulta ng pagkakadakip ng pinaghihinalaan at sa bisa na rin ng mandamiyento de aresto na inilabas ni Hukom Isaac De Alban ng RTC Branch 22 Cabagan, Isabela sa kasong Large Scale of Illegal Recruitment na walang inirekomendang piyansa.
Matagal na umanong minamanmanan ang naturang pinaghihinalaan na isa sa mga maituturing na pinakamatagal na pinaghahanap ng mga awtoridad sa nabanggit na bayan.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Tumauini Police Station ang pinaghihinalaan na nakatakdang ipasakamay sa court of Origin.










