--Ads--
Naitala ang magnitude 5.6 na lindol malapit sa lalawigan ng Davao Oriental noong Miyerkules ng gabi, Mayo 6.
Ayon sa PHIVOLCS, una nitong iniulat na may lakas na magnitude 5.9 ang lindol bago ito inamyendahan sa 5.6.
Naitala ang pagyanig alas-11:35 ng gabi, na may sentro sa layong 17 kilometro silangan ng bayan ng Caraga.
Naramdaman ang mga sumusunod na lakas ng lindol sa iba’t ibang lugar:
--Ads--
- Intensity III – Mati City, Davao Oriental; Monkayo, Davao de Oro; Bislig City, Surigao del Sur
- Intensity II – Maco, Maragusan, at Pantukan sa Davao de Oro; Davao City; Tandag City, Surigao del Sur
Ayon pa sa PHIVOLCS, wala nang inaasahang aftershock kaugnay ng lindol, ngunit posible pa ring magkaroon ng kaunting pinsala sa mga imprastraktura sa mga apektadong lugar.











