--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpaliwanag ang pamunuan ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) sa umano’y mistaken identity sa naaresto na #3 most wanted person sa rehiyon dos.

Nauna rito ay pinangunahan ng Regional Intelligence Unit 2 sa pakikipagtulungan ng Provincial Intelligence Team ng Nueva Vizcaya, Regional Intelligence Division, Police Regional Office 4-A, Bacoor City Police Station, Provincial Intelligence Team Cavite, Regional Intelligence Unit-4A at Dupax Del Norte Police Station ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa Cavite kay Julius Bullecer Domingo na naitalang #3 most wanted person sa region 2 sa kasong forcible abduction at multiple rape noong taong 2002.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLtCol Joseph Dela Cruz, Information Officer ng NVPPO, ipinaliwanag niya na naitalang Julius Bullecer Domingo ang sisilbihan nila ng warrant of arrest na nagtrabaho sa Cavite.

Naaresto si Domingo at ipinasakamay sa court of origin sa Dupax Del Norte.

--Ads--

Sinabi pa ni PLtCol Dela Cruz na sa korte na lang patunayan ni Domingo na hindi siya ang taong tinutukoy sa warrant of warrest.

Hindi naman masasabi aniya na nagkaroon ng mistaken identity dahil nagtrabaho sa Cavite ang suspek nang matunton ng mga awtoridad .

Tinig ni PLt. Col. Joseph Dela Cruz

Sa kasalukuyan ay nasa LGU quarantine facility ng Dupax Del Norte si Domingo na sumasailalim sa 14-day quarantine bago maghain ng mosyon sa hukuman at kanilang tutulungan upang mapatunayan ang kanyang pagiging inosente.

Ayon kay PLt. Col. Dela Cruz, tutulungan ng kanilang tanggapan si Julius Bullecer Domingo kung tutoo ang kanyang paratang na mistaken identity ang pagdakip sa kanya.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt Rudil Bassit, hepe ng Dupax Del Norte Police Station na inanyayahan nila sa kanilang himpilan ang biktima at kinumpirma na ang inarestong Julius Bullecer Domingo ay hindi ang taong gumahasa sa kanya.

Ang pinaghihinalaang nasa warrant of arrest at kapangalan ng inaresto ay bumagasak bilang #3 Most Wanted Person sa rehiyon dos dahil sa panggagaghasa ng paulit-ulit sa noon ay 17 anyos na dalagita.

Sinabi pa ni PCpt Bassit na nais ng mga kaanak ng inaresto sa malinis ang kanilang pangalan dahil dinakip na wala namang kinakaharap na kaso .

Tinig ni PCapt. Rudil Bassit