--Ads--

Matapos ang magkasunod na pagpapatupad ng big time oil price hike, magpapatupad naman ng oil price rollback ang mga kompanya ng langis sa bansa, epektibo ngayong alas sais ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas presyo na 55 centavos sa kada litro ng gasolina, 65 centavos sa kada litro ng diesel, at 90 centavos naman sa kada litro ng kerosene.

May oil price rollback din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel na magiging epektibo mamayang alas-otso ng umaga.

Ang ipatutupad na rollback ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

--Ads--