--Ads--

CAUAYAN CITY-Mahigpit na minomonitor ngayon ng Isabela State University ang kanilang on the job training students sa bansang Israel.

Ayon kay Dr. Ricmar Aquino, President ng ISU System, may nakatalagang magmomonitor sa kanila habang sumasailalim sa on the job training upang matiyak na maayos ang kanilang kalusugan sa gitna ng COVID 19 pandemic.

Sinabi pa ni Dr. Aquino na kapag mananatiling maayos ang kanilang kalagayan ay patatapusin na lamang hanggang buwan ng Oktobre ang kanilang mga estudyante na sumasailalim sa OJT at umaasa silang magiging normal na ang sitwasyon sa kanilang pag-uwi.

--Ads--

Ang nasa humigit kumulang na dalawampong OJT students na nasa Israel ngayon ay sumasailalim sa online classes at hindi rin sila pinapalabas dahil may naatasang tagabili ng kanilang pagkain.

Tulad din dito sa Pilipinas ay pinagsusuot ang mga estudyante ng face mask, gumamit ng sanitizer ngunit ito ay ibibigay ng mga kompanyang pinagtatrabahuan.