--Ads--

CAUAYAN CITY– Pansamantalang isinara sa publiko ang Out Patient Department ( OPD) ng Milagros Albano District Hospital matapos na magpositibo ang dalawang health workers ng naturang pagamutan sa COVID-19.

Sa inilabas na pahayag ng Isabela Provincial Information Office, na bukas naman ang naturang pagamutan ngunit sa panahon ng emergency cases lamang.

Minabuting pansamantalang isinara ang pagamutan sa publiko upang bigyang daan ang Contact Tracing gayundin ang disinfection activity sa nasabing ospital .

Sa ngayon ay wala pang malinaw na araw kung kailan muling magbubukas ang Milagros Albano District Hospital kayat hinihingi ang pang-uwa at pakikiisa ng mga mamamayan.

--Ads--