--Ads--

Naantala ang operasyon ng Office of the Vice President (OVP) dahil sa isang bomb threat kaninang hapon.

Ayon sa tanggapan, agad na inilikas ang mga kawani nito sa isang ligtas na lugar matapos makatanggap ng text message ang isang personnel patungkol sa bomb threat.

Agad namang nagdispatch ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Team ang Mandaluyong City Police para magsagawa ng bomb search sa headquarters ni Vice President Sara Duterte sa Robinsons Cybergate Plaza.

Sa kabutihang palad ay wala namang pampasabog na natagpuan sa lugar at nagpatuloy ang operasyon ng tanggapan dakong alas-4 ng hapon.

--Ads--

Pinaalalahanan ng OVP ang publiko na iwasan na ang pagpapadala ng bomb threats dahil hindi ito biro lalo na para sa public security at safety.

Ang mapapatunayang nagpapakalat ng bomb threat ay maaring maharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1727 o mas kilala sa tawag na Anti-Bomb Joke Law.

Matatandaang wala ang bise presidente sa Pilipinas matapos bumyahe patungong The Netherlands para alalayan ang amang si Ex Pres. Rodrigo Duterte sa kinakaharap nitong kaso sa International Criminal Court.

Sa kabila ng pananatili ni VP Sara sa nasabing bansa ay operational pa rin naman ang OVP.