--Ads--

CAUAYAN CITY – Idineklarang persona non-grata ng Sanguniang Panlalawigan ng Isabela ang mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Isabela at ang operator ng Small Town Lottery (STL) na Sahara Gaming Corporation dahil sa ilang paglabag sa health protocols at hindi tamang pagbibigay ng benepisyo sa mga kabo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SP Member Randy Arreola, sinabi niya na ilang ulit na ipinatawag sa sesyon ang PCSO-Isabela at Sahara Gaming Corp. ngunit mga kinatawan lamang ng PCSO Isabela ang dumalo.

Sa kabila ng paglalahad ng sentimiyento ng mga miyembro ng Sanguniang Panlalawigan partikular ang usapin sa pagbibigay ng nararapat na benepisyo para sa kanilang mga kabo ngunit hindi tinugunan.

Kaugnay nito, nais ding isaalang-alang ng pamahalaang panlalawigan ang kapakanan ng taumbayan dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Isabela.

--Ads--

Aniya, ang nais lamang ng Sanguniang Panlalawigan ay masunod ang mga protocol at panuntunan ng  Inter-Agency Task Force (IATF) at matiyak na hindi infected ng virus ang mga kabo na nag-iikot sa mga barangay.

Dahil sa tila pagpapasahan ng bola at paghuhugas-kamay ng PCSO sa pagkukulang ng Sahara Gaming Corp. ay nagpasya ang Sanguniang Panlalawigan na ideklarang persona non-grata ang mga opisyal at empleyado ng Sahara.

Kabilang dito na sina  Eduardo  Davalan at Jennifer  Sunga, assistant provincial manager ng PCSO–Isabela.

Ang pahayag ni Atty. Randy Arreola