--Ads--

Bumaba ang kabuuang local peso-denominated bonds ng Pilipinas bago matapos ang 2025, ayon sa Asian Development Bank (ADB). Umabot sa ₱13.7 trilyon ang LCY bonds sa pagtatapos ng Disyembre 2025, pababa ng 0.7% quarter-on-quarter, mas mataas kaysa 0.1% noong nakaraang quarter.

Ayon sa ADB, pangunahing dahilan ng pagbaba ang 43.6% pagbawas sa central bank securities dahil sa mas kaunting issuances. Samantala, tumaas naman ng 1.2% ang treasury at government bonds at 2.1% ang corporate bonds sa ikaapat na quarter.

Bagama’t bumaba ang kabuuang bond issuances sa Q4 sa ₱1.7 trilyon mula ₱2.9 trilyon, nanatiling matatag ang profile ng mga investors, kung saan 46.4% ay hawak ng mga bangko at investment houses, at 4.8% ng mga dayuhan.

Umabot sa $16 bilyon ang sustainable bonds ng Pilipinas sa katapusan ng 2025, tumaas ng 41.9% year-on-year, na may malakas na demand mula sa parehong private at public sectors.

--Ads--