--Ads--

Sa paggunita ng mga Katoliko sa Maundy Thursday, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang banal na araw ay paalala sa mga lider na unahin ang pangangailangan ng ibang tao kaysa sa sarili.

Ayon sa Pangulo, ang liderato ay nagsisimula sa serbisyo, at mahalaga ang malasakit sa kapwa at ang pagbibigay-priyoridad sa kanilang pangangailangan. Hinikayat niya rin na dalhin ang diwang ito sa lahat ng gawain at desisyon ng mga tao.

Bilang pagbati, hiniling ni Pangulong Marcos ang isang mapagpala at makabuluhang Holy Thursday para sa lahat ng Katoliko.

Ang Holy Thursday o Maundy Thursday ay paggunita sa Huling Hapunan ni Hesus, kung saan itinatag niya ang sakramento ng Holy Communion bago siya dakpin at ipako sa krus.

--Ads--