--Ads--
Aabot sa 21 informants ang binigyan ng mahigit P4 milyong cash reward ng Philippine National Police (PNP) ngayong Lunes, May 4.
Isa sa kanila ang tumanggap ng pinakamalaking gantimpala na P1 milyon matapos tumulong sa pag-aresto noong Oktubre 1, 2025 sa isang akusadong nahaharap sa 54 kaso ng paglabag sa Terrorism Financing and Suppression Act of 2012.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., mahalaga ang ambag ng mga impormante sa tagumpay ng mga operasyon ng pulisya dahil nakakatulong ang kanilang impormasyon upang maiwasan ang panganib at mapabilis ang pag-usad ng hustisya.











