--Ads--

Pormal nang natanggap ng Philippine Air Force (PAF) ang huling pitong S-70i Black Hawk helicopters bilang bahagi ng 32-unit acquisition program ng pamahalaan mula sa PZL Mielec ng Poland.

Isinagawa ang turnover at blessing ng pitong helicopter sa 250th Presidential Airlift Wing Hangar sa Villamor Air Base sa Pasay City nitong Miyerkules, Agosto 26. Pinangunahan ni PAF Commanding General Lt. Gen. Arthur Cordura ang pagtanggap sa mga bagong helicopter.

Dahil dito, umabot na sa 47 ang kabuuang bilang ng S-70i Black Hawk helicopters na nasa imbentaryo ng PAF.

Ang 32-unit acquisition ay kinontrata noong 2022 sa ilalim ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

--Ads--

Ayon kay Cordura, nakatulong ang pagdating ng mga bagong helicopter upang matugunan ang matagal nang kakulangan ng combat utility helicopter capability ng PAF.

Noong 2019, unang nilagdaan ng PAF ang kontrata para sa 16 S-70i Black Hawk helicopters, na naideliver mula 2020 hanggang 2021. Ginamit ang mga ito sa humanitarian assistance, disaster response at relief operations, kabilang noong nanalasa ang Bagyong Odette.

Noong 2022, pinalawig ng pamahalaan ang pagbili ng karagdagang 32 S-70i Black Hawk helicopters, na naideliver mula 2024 hanggang 2026.