--Ads--

CAUAYAN CITY– Pabor ang Liga ng mga Barangay sa San Mariano, Isabela sa pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pasya ng IATF na payagan ng makalabas ang mga batang may edad sampu.

Sa naging panayam ng Bombo Cauayan kay Liga ng mga barangay President Eduardo Viernes, sinabi niya na mas nakakabahala para sa kanila ang pagdami ng mga nagpopositibo sa COVID 19 sa kanilang nasasakupan.

Aniya mas pinahigpit nila ang paglilimita sa galaw ng mga residente at ipinaubaya na sa pulisya ang paghuli sa mga lumalabag sa mga minimum health protocol tulad ng hindi pagsusuot ng face mask at face shield.

Nakatakda naman nilang pagpulungan sa susunod na araw ng lunes ang nilalaman ng panibagong kautusan ng Pamahalaang Panlalawigan gayundin ang pagbabawal na makalabas ang mga 15 anyos pababa.

--Ads--
Ang bahagi ng pahayag ni Liga ng mga barangay President Eduardo Viernes