--Ads--

CAUAYAN CITY– Tuluyan ng ipinagbawal ang pagbenta at pagbili ng baboy at produktong karneng baboy sa Purok 5 Barangay Balintocatoc, Santiago City dahil sa African Swine Fever (ASF).

Epektibo ang kautusan sa bisa ng Executive Order No. 2020-10-03 na ipinag-utos ni Mayor Joseph Tan.

Bukod sa nabanggit na Purok ay apektado rin ang paligid nito na nasa 500 metro metro at magtatagal batay sa rekomendasyon ng City Veterinary Office at City Agriculture Office.

Isasailalim sa blood sampling ang mga baboy mula sa 700 meter radius mula sa lugar at patuloy na oobserbahan ang mga alagang baboy habang magpapatuloy ang pagsasagawa ng depopulation sa Purok 5, Balintocatoc.

--Ads--

Nakatakda namang pangasiwaan ng SCPO, DPOS, City Veterinary Office at tanggapan ng Barangay ang ilalatag na checkpoint para sa masusing pagsala sa mga tao at sasakyang papasok sa lugar.