--Ads--

Liham na pinadala ng China sa Seoul Defense Dialogue itinuturing ni Teodoro na kawalan ng respeto sa international law at sa host country na Korea

Nagbigay ng reaksiyon si Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro matapos makatanggap ng liham mula sa Chinese delegation sa kalagitnaan ng pagsasaita sa isinagawang Seoul Defense Dialogue sa South Korea.

Nakasaad sa liham na malinaw, consistent at matatag ang posisyon ng China sa South China Sea arbitration. Iginiit din nitong hindi nito tinatanggap o kinikilala ang arbitration awards at tutol ito sa anumang claim na nagmumula rito.

Kinuwestiyon naman ito ni Teodoro, at sinabing ang ganitong posisyon ay hindi lamang kawalan ng respeto sa international law at sa UNCLOS, kundi maging sa host country na South Korea.

--Ads--

Ayon kay Teodoro, ang ganitong asal ay maituturing na “coercion, bullying, and aggression.”

Sa huli iginiit ng kalihim na mahalaga ang respeto at tamang asal sa pakikilahok sa mga international forum.