CAUAYAN CITY– Pinayuhan ng PAGASA DOST na gumamit ng proteksiyon sa mga mata ang mga mamamayang nais saksihan ang magaganap na annular solar eclipse bukas, araw ng Linggo (June 21, 2020).
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Chief Meteorologist Ramil Tuppil ng PAGASA DOST Echague,Isabela na bukas araw ng linggo ay makakaranas ang bansa ng annular solar eclipse kung saan magsisimula sa area ng Itbayat Batanes ganap na 2:54pm ang partial eclipse.
Magtatapos ang partial eclipse 3:15pm.
Ayon kay Chief Mateorolpgist Tuppil, mararanasan ang Annular Solar Eclipse kapag ang buwan ay nasa pagitan ng araw at mundo.
Ang araw ay makikita sa pamamagitan ng annular solar eclipse ngunit partial lamang ang makikita bukas.
91% na makikita ang annular eclipse sa bahagi ng Itbayat,Batanes habang sa Lunsod ng Tuguegarao ay 80%.
Pinayuhan naman ni Chief Mateorolgist Tuppil ang mga mamamayan na nais masaksihan ang pangyayari bukas na gumamit ng protection sa mata at huwag direktang titigan ang araw dahil maaaring makasira sa mata.
Maari anyang gumamit ng sunglasses o di kaya ay tubig na nakalagay sa planggana na nakatapat sa araw sa panonood ng annular solar eclipse.











