Sa The Bahamas, makikita ang pagdiriwang ng Holy Week sa pamamagitan ng mga misa at prosisyon mula Palm Sunday hanggang Easter Sunday. Sa Palm Sunday, binabasbasan ang mga palaspás bilang alaala ng pagpasok ni Hesus sa Jerusalem.
Sa Holy Thursday, ginugunita ang Huling Hapunan ni Hesus sa pamamagitan ng misa at adoration ng Blessed Sacrament. Sa Good Friday, nakatuon ang mga seremonya sa Passion of the Lord, habang sa Easter Sunday, masigla ang pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Hesus at sama-samang pagtitipon ng pamilya.
Karaniwan ding inihahanda sa Good Friday ang mga pagkaing may isda at ang tradisyunal na Hot Cross Buns.
Ayon kay Bombo International News Correspondent April Duallo, isa sa mga kaibahan ng Holy Week sa Bahamas kumpara sa Pilipinas ay ang Easter Monday, kung kailan nagkakaroon ng mga kasiyahan sa mga beach at pampublikong pagtitipon ang mga residente.
Bagamat may mga establisyemento na nagsasara, normal pa rin ang mga araw ng trabaho sa iba pang bahagi, kaya mas tahimik ang selebrasyon kumpara sa Pilipinas.
Bagamat hindi kasing masalimuot o kultural na selebrasyon gaya sa Pilipinas, nananatiling mahalaga ang Holy Week sa Bahamas bilang panahon ng panalangin, pagninilay, at pagkakaisa ng komunidad.
Bukod sa relihiyosong aspeto, nagiging pagkakataon rin ito para sa pamilya at lokal na komunidad na magsama-sama at magdiwang ng tradisyon sa kanilang sariling paraan.











