--Ads--

Arestado ang isang binata sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Cauayan City dakong alas-3 ng hapon nitong araw ng Biyernes, ika- 8 ng Mayo.

Itinago ang suspek sa alyas na “Balong,” 21-anyos, out-of-school youth at residente ng Turayong, Cauayan City. Siya ay naaresto sa isinagawang operasyon sa bahagi ng Purok 1, San Fermin, Cauayan City.

Batay sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa suspek, mariin nitong itinanggi na siya ay nagtutulak ng ilegal na droga at iginiit na hindi sa kaniya ang nakumpiskang droga.

Nakumpiska naman mula sa pag-iingat ng suspect ang hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, isang cellphone, ₱500 cash, ₱500 boodle money at ilan pang personal na kagamitan.

--Ads--

Sa ngayon ay dinala na sa himpilan ng Cauayan City Police Station ang suspect para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.